Advertisers

Advertisers

Mag-ina brutal na pinatay sa Bulacan

0 204

Advertisers

Nakasusulasok na amoy at nagsisimula nang maagnas ang bangkay ng mag-ina nang madiskubre ng kanyang kapatid at bayaw nitong Biyernes ng hapon sa sarili nitong bahay sa Purok 2, Brgy. Mercado ng Hagonoy, Bulacan.
Kinilala ni P/Lt.Col. Roginald Francisco ng Hagonoy police ang mga biktima na sina Carmelita Tungol, 69, may-asawa; at anak nitong si Mary Grace Tungol, 43, dalaga, kapwa residente sa nabangit nanlugar.
Sa ulat, 3:00 nang madiskubre ng mag-asawang Wilfredo at Evelina Buenaflor ang naaagnas na bangkay ng dalawang biktima sa bahagi ng kusina ng bahay na tadtad ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.
Ayon sa report, na isa sa mga kapitbahay ang nakapagsabi sa mag-asawa na halos tatlong araw na hindi nila nakikitang lumalabas sa bahay ang mag-ina.
Ayon naman kay Ryan Mel Tungol, anak at kapatid ng dalawang biktima, huli niyang nakausap ang mga biktima noong Agosto 16 sa pamamagitan ng video call at wala na siyang naging balita matapos ang huli nilang pag-uusap.
Samantala, meron ng person of interest ang kapulisan sa likod ng karumaldumal na pamamaslang.(Thony D. Arcenal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More