Advertisers
Gusto ko po i-report sa inyo ang ginagawa ng mga pulis sa PCP 9 Comembo, Makati City. Naka-duty sa umaga at naka- baraks sa loob ng presinto at kanilang hepe. Ang aking kapatid po na babae nakakulong sa loob ng presinto na ang kaso po ay drugs. Pagtapos daw po ng duty ng mga pulis sa umaga, sa gabi naman po ay nag-iinom na po sila sa loob ng presinto. Ang aking kapatid po na babae at kanyang mga kasama sa loob ng kulungan ay inilalabas para gawin table ng mga pulis at pinapainom po sila ng alak. Kapag nalasing na ang mga pulis po ay nire-rape na nila ang aking kapatid at mga kasamahan niyang mga babae. Sana po ay mailipat niyo ng ibang kulungan ang aking kapatid dahil sa pang- aabuso ng mga pulis. Sir, PNP Chief, human rights… tulungan niyo po ang aking kapatid na babae at mga kasama niya. Salamat po. – Kapatid ng preso sa PCP 9, Makati Police
Hinaing ng seniors tungkol sa PayMaya
Pahirap ang PayMaya sa ilang senior citizens ng Maynila. Nag-isyu sila ng mali-maling password kaya halos 7 buwan nang walang pensiyon ang mga kawawang seniors. Noon namang nakaraan linggo, nag-text sila na may laman na raw ang mga account, pero wala naman pala. System error daw, pinagod lang ang mga matatanda. Paki-correct naman ang password sa account ko. Reynaldo S. Martinez, 67 yrs old, Brgy 118, Zone 9, Sta. Fe, Rawis, Tondo 1.