Advertisers

Advertisers

Online voter’s registration lusot na sa House committee

0 256

Advertisers

LUSOT na sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang substitute bill na layong amyendahan ang Republic Act 8189 o ang The Voter’s Registration Act of 1996.
Itinulak ang naturang panukala bunsod na rin ng banta ng COVID-19 pandemic sa voter’s registration.
Sa pamamagitan ng panukala ay pahihintulutan na ang pagpaparehistro ng botante online, digitalization ng talaan ng mga botante, gayundin ang amyenda sa pagtatanggal sa talaan at pagpapalit ng rehistro.
Positibo naman ang pagtanggap dito ng Commission on Elections o COMELEC.
Ayon kay COMELEC Director Teopisto Elnas na ang substitute bill ay napapanahon dahil may mga probisyon sa ilalim ng RA 8189 na nangangailangan na talaga ng amyenda.
Sinabi ni Elnas na ang panukala ay magbibigay ng oportunidad sa mga aplikante na makapagrehistro online gamit ang bagong teknolohiya.
Makatutulong din aniya ito sa COMELEC na maiwasan ang flying voters sa mga susunod na halalan, sa pamamagitan ng mga bagong makina ng PCOS na maglalaman ng biometrics ng mga botante at konektado sa talaan ng mga rehistradong botante sa presinto o barangay. (Henry Padilla)