Advertisers

Advertisers

Katiwalian sa Barangay 4 ng Pasay City malala na

0 385

Advertisers

Tinatawagan namin ng atensyon ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa sumisidhing katiwalian sa Barangay 04 ng Pasay City. Wala pa man ang pandemic, marami nang katiwaliang nagaganap sa aming barangay. Mula nang umupo ang mga bagong opisyal lalong lumaganap ang bentahan ng droga. Ang nakakapagtaka pa sa lugar mismo ng mga halal na opisyal. Naglagay sila ng mga CCTV camera, na siyang pinagmamalaki nilang proyekto at nagkakahalaga ng libo libong piso. Pero walang CCTV camera sa mga iskinitang nagaganap ang bentahan ng bato. Naglagay din sila ng napakataas na hump sa tapat ng barangay dahil sa takot sa mga riding in tandem (dahil ilan na ang naging biktima ng mga ito sa amin) para di agad makapasok ang mga sasakyan. Sa tuwing may darating na motorsiklo na may dalawang pasahero, naglalaho parang bula ang mga opisyal ng barangay (parang may kinatatakutan). May CCTV camera man, maraming nakawan ang nagaganap dahil wala naman nagmo-monitor nito.

Nang magkaroon ng pandemic, lalong lumala ang mga katiwalian. Isa na rito ang pagpapalit-palit ng kalihim at tesorero na pawang kamag anak ng barangay officials. Pero mas malala ngayon dahil ang kasalukuyang kalihim ay hindi lehitimong botante ng Barangay 04. Hindi po siya taga-rito. At ang tanggapan ng barangay ay pinangangasiwaan na ng kapatid na babae ng barangay captain. Halos siya na ang namamamahala sa barangay. Kapag madaling araw naman, sa mismong tapat ng barangay hall ay nag- iinuman ang mga kabataang anak ng barangay officials. Hindi na uso ang curfew sa lugar namin.

Marami pang katiwalian ang mga opisyal ng barangay namin. Mayroon may bilyaran kahit may pandemic. Laganap ang inuman sa dulo ng E. Rodriguez dahil isinara na ito dala sa takot sa riding in tandems. Naglipana ang mga iskorer sa huling dalawang kalsada ng barangay.



Sec. Ano, sana naman pagtuunan nyo ng pansin ang mga katiwaliang ito. – Concerned Citizen