Advertisers
TEXT BRIGADE: NAIS KONG IPARATING SA KAGAWARAN NG DSWD, O CWD NA MARAMI SA ATING MGA MAHIHIRAP NA KABABAYAN ANG HANGGA SA NGAYON AY UMAASA KUNG KAILAN SILA MAKAKAKUHA NG UNA AT PANGALAWANG BUGSO NG SAP (SOCIAL AMELIORATION PROGRAM) NG ATING PAMAHALAAN. MAHAL NA PANGULONG DUTERTE, MARAMI PARIN ANG UMAASA SA SAP. TULAD NI MR. JOHN LIGA BASCO AT DEMITRIA PEPITO, PAREHONG TAGA-MARIKINA. MUKHANG PALAKASAN ANG GANITO SISTEMA? MR. SECRETARY BAUTISTA NG DSWD. SIR, MAY BARCODE ANG FORM NI MR. BASCO BAKIT HANGGANG NGAYON WALA PANG TAWAG NA HINIHINTAY NA SINASABI NA GALING SA DSWD-NCR. – MATA NG LANSANGAN
Pinutulan ng tubig ng Maynilad sa Baclaran, Parañaque
Magandang umaga po. Ako ay taga-Baclaran J. Correa. Kami po ay pinutulan ng tubig ng Maynilad. Nag-lockdown na po at ilang buwan na marumi ang tumutulo sa amin dito at lagi pang walang tulo at pilit po kaming pinutulan samantalang nagbayad kami ng pitong libo ng buwan ng Oct. at nagbayad din po kami ng Dec. 21 ng sampung libo at pinakita ko pa po ang aking resibo kahit napakalaki ng charge sa amin sa halagang fifthy one thausand nine hundred fifthy eight centavos, at ang sabi ko po di ba Bayanihan Act po tayo at nagbabayad naman po ako. Ang sabi po ng namutol ang pangalan po ay Fortunato Viscara at ang sabi nya ay wala ng Bayanihan tapos na. Di po ba Bayanihan to Recover pa po tayo? Bakit po pilit nya parin kaming putulan. Tama po ba yon? Kaya paki-tulungan nyo po kame na mga taga-Baclaran, Parañaque at para maiparating sa gov. ang aming karaingan. Maraming salamat po sa inyong pahayagan na mabilis na pag- aksyon. Yan po ang lagi kong binibili araw-araw malibang lang po pag Linggo. Maraming salamat po.
(Editor: Kailangan nyo makipag-usap sa opisyal ng Maynilad dyan sa Parañaque. Puede naman hulugan yang bayaran ninyo para makabitan uli kayo ng tubig)