1 patay, 2 missing kay ‘Auring’

31

ISA ang nasawi at 2 ang nawawala sa Caraga Region sa pananalasa ng bagyong Auring, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Managemsnt Council (NDRRMC).
Sa datos ng NDRRMC, nasa kabuan 31,884 pamilya mula sa Caraga, Davao, Northern Mindanao, at Bicol Regions ang naapektuhan ng bagyong Auring.
Mula sa 31,884 pamilya, 18,996 pamilya rito na mula sa Caraga, Davao, Northern Mindanao, Eastern Visayas, Central Visayas, at Western Visayas ang inilikas at nanunuluyan sa mga itinayong evacuation center ng mga local goverment unit.
Umabot naman sa 60 bahay ang tuluyang nawasak habang 180 ang napinsala.
Samantala, 11 kalsada at 2 tulay ang hindi pa madaan ng mga sasakyan dahil sa baha sa Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, at Davao Regions. (Mark Obleada)

Leave A Reply

Your email address will not be published.