Covid update: 72 gumaling; 16 nasawi; 1,414 bagong kaso

29

PUMALO na sa 564,865 ang kabuuang kaso ng nagpositibo sa COVID-19 matapos makapagtala pa ng 1,414 bagong kaso ang Department of Health (DOH) ngayong Martes, Pebrero 23.
Umakyat na rin sa 522,941 ang bilang ng mga recoveries matapos makapagtala pa 72 gumaling.
Habang mayroon namang 16 na nadagdag sa mga pumanaw dahilan para maging 12,107 na ang death case.
Nasa 29,817 naman ang aktibong mga kaso o yung mga nagpapagamot pa sa iba’t-ibang quarantine facility at ospital sa bansa.
Batay sa tala ng DOH, mayroong limang duplicates na inalis sa total case counts kung saan dalawa ang recoveries.
Tatlong kaso naman na na-tag bilang pumanaw ang nare-classify bilang recoveries habang tatlong kaso pa ang na-tag na gumaling ang na-reclassify bilang pumanaw matapos ang final validation. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

Leave A Reply

Your email address will not be published.