Grade 11 stude nakuhanan ng P130k droga

38

ARESTADO ang isang Grade 11 student sa drug buy-bust operation, habang nakatakas ang target ng mga operatiba sa Quezon City
Sa report, mahigit P130,000 halaga ng shabu ang nakuha mula sa 18-anyos na estudyante, na nagsisilbing ‘runner’ ng ipinagbabawal na gamot.
Giit ng estudyante, hindi siya gumagamit o nagtutulak ng shabu. Aniya, napag-utusan lang siyang iabot ang droga sa nagpanggap na buyer.
“Matanda po yung nag-abot sa akin pero yung aabutan ko bata,” anang estudyate.
Dagdag pa ng estudyante, hindi niya alam na droga ang kaniyang iaabot. Isang alyas “Nidz” aniya ang nag-utos sa kaniya.
Hindi na inabutan ng mga pulis si Nidz sa bahay kungsaan ginawa ang buy-bust.
Sa report, kilala si Nidz na tulak ng shabu sa Barangay Culiat at Holy Spirit. (Boy Celario)

Leave A Reply

Your email address will not be published.