Motor kinaladkad ng trak: Mommy lasog, anak sugatan

64

NASAWI ang isang ina habang sugatan ang anak na babae nito nang kaladkarin ng truck ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Quezon City.
Kinilala ang nasawi na si Mary Jane Reodique, at ang anak na sugatan ay si Cyra.
Ayon sa ulat, pauwi na sa kanilang tahanan sa Camarin, Caloocan City ang mag-ina nang mangyari ang insidente. Papunta sa U-turn slot ang mga biktima pero hindi sila nakita ng truck driver dahil nasa blind spot.
Naaresto naman agad ang driver ng truck na hindi pa pinangalanan at inihahanda na ang kaukulang kaso. (Boy Celario)

Leave A Reply

Your email address will not be published.