SUV sumalpok sa poste: 3 patay, 2 grabe

34

PATAY ang tatlo katao at dalawa ang kritikal nang bumangga ang isang pick up na Strada sa poste ng kuryente ng Cagayan Electric Cooperative (CAGELCO-1) sa highway sa Balzain, Pengue, Atulayan, Tuguegarao City, Cagayan.
Sa report, nawalan ng kontrol sa manebela ang driver na si Rowel Bambilla kungsaan bigla nitong nakabig, dahilan ng aksidente na ikinasawi ng tatlong sakay nito na sina Alvin Dela Cruz ng Sto. Niño, Cagayan; Kenneth Maggay ng Tuguegarao Cityat; at Patrick Desuasido, tubong Bicol.
Ayon sa ulat, nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin si Bambilla.
Sa ngayon, nasa kritikal na kondisyon ang driver at isa pang pasahero ng pick up.
Dahil sa lakas ng impact ng pagbangga, natumba ang kahoy na poste ng kuryente na dumagan sa isa pang kongkretong poste na dumagan naman sa dalawang nakaparadang kotse. (Rey Velasco)

Leave A Reply

Your email address will not be published.