3 mag-uutol, 2 pa timbog sa drug buy bust

47

SWAK sa kulungan ang tatlong magkakapatid at dalawang kasamahan ng mga ito sa buy-bust operation na ikinasa ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Lunes ng gabi.
Kinilala ni QCPD Director, BGeneral Danilo Macerin, ang mga nadakip na makakapatid na sina Marvin, 29; Rosalyn, 31; at Maricris Reyes, 28; at kasamahan nilang sina Oliver Cordora, 31; at Japeth Piedad, 32, pawang residente ng Brgy. Tatalon, QC.
Sa ulat, 9:30 ng gabi nang isagawa ang drug operation sa Room 23 ng Crest Apartelle sa kahabaan ng E. Rodriguez Sr.,Brgy. Kristong Hari, QC.
Narekober mula sa mga suspek ang 61 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P414,800.00. Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Boy Celario)

Leave A Reply

Your email address will not be published.