2-year old girl isinaksak ang kutsara sa extension wire, nangisay

37

NASAWI ang 2-anyos na babae nang makuryente sa isinaksak na kutsara sa extension sa Quezon City.
Sa ulat, ikinwento ng ina na naghahanda siya ng gatas para sa kanyang anak at naiwan niya ang kutsara na naabot ng bata.
Nang makarinig ng putok, nakita niya ang kanyang anak na nangingisay na. Isinugod sa ospital ang bata at sinubukang ma-revive ngunit hindi na kinaya ng paslit.
Samantala, sinabi ng tagapagsalita ng Meralco na maaaring maiwasan ang naturang aksidente.
“Maaari talagang maaksidente ‘pag ‘yan ay kinalikot or kapag may object na bakal na in-insert o kaya iyong daliri, inilagay mismo sa opening ng outlet,” pahayag ni Joe Zaldarriaga.
“Kung hindi naman po kai-langan ng extension huwag na po tayo gagamit po niyan sapagkat hindi rin po ganoon ka-safe.” (Boy Celario)

Leave A Reply

Your email address will not be published.