Bebot ni-rape ng bespren

65

HINDI akalain ng isang babae na mauuwi sa panggagahasa sa kaniya ang pagdalo niya sa reunion ng mga kaibigan na itinuring niyang ikalawang pamilya.
Aminado naman ang suspek matagal na siyang may pagtingin sa biktima.
Inaresto ang suspek na si John Jerald Artana sa bisa ng na arrest warrant mula sa korte.
Kababata ng biktima ang suspek na kasamang dumalo sa kanilang reunion na may kainan at inuman. Matapos ang kasiya-han, naganap ang panghahalay sa biktima.
Aminado si Artana na may nangyari sa kanila ng biktima, pero kapwa raw nila ito ginusto.Sinabi niya na noon pa man may gusto na siya sa biktima at ang biktima raw ang unang humalik sa kaniya.
Ipinapaaresto rin ng korte ang isa pang dumating sa reunion na kaibigan ni Artana na nagsamantala rin sa biktima.

Leave A Reply

Your email address will not be published.