9 SUICIDE BOMBERS nadakip sa Sulu

29

ARESTADO ang siyam na babae na hinihinalang suicide bombers sa magkahiwalay na operasyon sa Sulu.
Ayon sa report, tatlo sa mga ito ay mga anak ng Abu Sayyaf Group leader na si Hatib Hajan Sawadjaan, na kinilala ng Joint Task Force Sulu na sina Isara Jalmaani Abduhajan, 36; Jedah Abduhajan Amin, 28; at Elena Tasum Sawadjaan-Abun, 40 anyos.
Sa ulat, naaresto sina Isara at Jedah sa bayan ng Patikul nitong Pebrero 19. Habang si Elena, asawa ni ASG sub-leader Walid Abun; at Firdauzia Salvin, asawa ni ASG sub-leader Mannul Said; ay naaresto sa Kalimayahan Village.
Naaresto rin sa isa pang ope-rasyon sa Jolo sina Nudsza Ismanu Aslun, asawa ni ASG member na si alias Jabar; at Nurshahada A. Isnain, asawa ni ASG member na si alias Akram na pinagkakatiwalaan ni ASG sub-leader Mundi Sa-wadjaan.
Kasama rin sina Linda Darun Maruji, Risa Jhalil, at Sharifa Rajani sa bayan ng Patikul.
Nakumpiska sa mga suspek ang iba’t ibang pampasabog.
Matatandaan na nitong nakaraang taon ay nagkaroon ng pagsabog sa Jolo dahil sa dalawang babaeng suicide bombers kungsaan 15 ang nasawi at dosena ang nasugatan.
(Mark Obleada)

Leave A Reply

Your email address will not be published.