Advertisers

Advertisers

Hold departure order vs Romualdez, Zaldy Co at 2 pa ipinatutupad na – BI

0 7

Advertisers

KINUMPIRMA ng Bureau of Immigration (BI) ang pagpapatupad ng Hold Departure Order (HDO) na inilabas ng Sandiganbayan laban kina dating House Speaker Martin Romualdez, dating Ako Bicol Rep. Elizaldy “Zaldy” Co, at dalawa nilang kasamahan kaugnay ng P7.44-billion plunder case.

Pahayag ng BI, sina Romualdez at Felicito Cristobal Guevarra ay nananatili sa loob ng bansa, habang sina Co at Joselyn Tragua Serenio ay nakalabas na ng Pilipinas bago pa man mailabas ang naturang HDO.

Kasalukuyang nakadetine si Romualdez sa infirmary ng New Quezon City Jail-Male Dormitory sa Payatas at naghain na ng plea na not guilty sa pamamagitan ng videoconferencing.



Nagsasagawa naman ng mga hakbang ang mga awtoridad kabilang ang pakikipag-ugnayan sa Interpol upang matukoy ang kinaroroonan at mahuli si Co.

Inihayag ng BI na mahigpit nilang ipatutupad ang probisyon ng HDO ngunit hindi makapaglalabas ng detalyadong personal na impormasyon ng mga akusado alinsunod sa Data Privacy Act of 2012.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">