3 PULIS-MAYNILA KULONG SA PAGPATAY SA KOREAN

43

ARESTADO ang tatlong kagawad ng Manila Police District na sangkot sa pagpaslang sa isang Koreano sa tapat ng isang sementeryo sa Maysan, Valenzuela City.
Ayon kay MPD Director, BGeneral Leo Francisco, ang mga pulis na dinakip ay sina Cpl Darwin G. Castillo, SSG Carl C. Legazpi, at Cpl Samruss F. Inoc, pawang nakatalaga sa Roxas Blvd. PCP.
Ayon kay Francisco, na-kipag-coordinate sa kanya ang tracker team ng Valenzuela City Police na pinamumunuan ni Major Ferdinand Mendoza hinggil sa pagkakasangkot ng tatlong pulis sa pagpaslang sa Korean national na si Sunuk Nam, 55 anyos.
Sa report, natagpuan ang bangkay ng Koreano sa harap ng St. Angelus Cemetery, Purok 4, Area 6, G. Marcelo St., Maysan 7:00 ng umaga ng February 15, 2021.
Bago ito, walong indibidu-wal ang dinakip ng Valenzuela City Police kaugnay sa pagpaslang kay Nam at dito natukoy ang pagkakasangkot ng tatlong pulis Maynila sa krimen.
Ipaghaharap ang tatlong pulis ng kasong murder.(Gina Mape)

Leave A Reply

Your email address will not be published.