Palasyo itinangging may ‘mismanagement’ sa pag-aangkat ng covid-19 vaccine

24

MARIING pinabulaanan ng Malakanyang ang pahayag ni Senator Frank Drilon na dahil umano sa mismanagement kaya’t naantala ang pagdating ng bakuna sa bansa, at hindi aniya dahil sa indemnity requirements ng mga vaccine supplier.
Ayon kay presidential spokesperson Atty. Harry Roque, hindi sila sang-ayon sa tinuran ng senador dahil malinaw at hindi aniya maitatanggi ang nakasaad sa liham na mula sa COVAX Facility na mid-February nila maide-deliver sa Pilipinas ang Pfizer at ang AstraZeneca.
Kaya nga lamang ani Roque, nagkaroon ng pangamba ang mga manufacturers, dahil dito lamang daw kasi sa Pilipinas nadidemanda ang mga bakuna na nakapasa at inaprubahan na ng ating FDA at maging ng World Health Organization (WHO).
Wala naman aniyang magagawa sa bagay na ito ang pamahalaan, lalo na’t nais nilang protektahan ang kanilang mga interes upang masigurong hindi sila makakasuhan o makukulong dahil sa nalikha nilang covid-19 vaccine. (Vanz Fernandez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.