Advertisers
MARAMI at kung anu-ano na ang naratibang ibinuga sa atin ng bansang Twins para angkinin ang bahagi ng karagatang na isang dekada nang denisisyunan ng International Arbitral Tribunal na talagang atin ang West Philippine Sea.
Nito lamang Linggo ginunita natin ang pagkakadeklara ng Arbitral Tribunal noong July 12, 2016, ang ikasampung taon ng desisyon na iyon, na magpa-hanggang ngayon ay ayaw kilalanin ng mga ‘Tsengwa’.
Ginawa pa nga ang National Peace Walk sa Luneta Grandstand kung saan sama-sama ang lahat ng mga Filipinong nakahandang ipaglaban ang desisyong iyon, kahit na bumubuhos ang malakas na ulan dulot ng Bagong si Inday.
Ang sabi ni outgoing Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, General Romeo Brawner Jr., napakahalaga na ipangalandakan natin sa mga Tsengwa’ na atin ang WPS. Kailangan din natin ituro at ibili ito sa mga susunod pang mga henerasyon o’ sa ating mga kabataan.
Kasi, magugulang ang mga Tsengwa’, kita niyo naman, kamakailan lang ay maglabas ito ng naratiba, na kahit ang Batanes Island daw ay kanila.
Kaya ang sabi naman ni Defense Secretary Gilberto Teodoro, habang na ata ang mga Tsengwa’, at wala itong ibang nais kung di lokohin tayo at maging ang buong mundo.
Ang Arbitral Award aniya ay di lamang para sa Pilipinas, kung di para sa buong mundo, na itanim sa kanilang mga isipan na ang parte ng karagatang na tinatawag nating WPS. Ang parte ng karagtan na pinagkukunan natin ng kabuhayan at pagkain para sa ating mga hapag kainan.
Walang sinoman ang maaaring umagaw o’ angkinin ito. Pinatunayan at kinatigan pa ng International Arbitral Tribunal na sa PILIPINAS ang WPS.
Di tayo PASISIIL sa mga Tsengwa’.