Maraming bilib at humahanga kay Atty. Repizo

64

NAIS  kong ipaabot sa mga mambabasa lalong-lalo na sa mga taga Calapan City, Oriental Mindoro ang aking paghanga kay ATTY. GILBERT U. REPIZO na kumakandidato bilang alkalde ng Calapan City.

Si Atty Repizo ay isang mahusay na “street parliamentarian” noong siya ay nasa kolehiyo pa lamang na sumisigaw laban sa kalokohan at katiwalian ng pamahalaan.

Isa rin siya sa mga konsehal noon na maraming naipasang ordinansa ng malulkok ito bilang numero unong City Councilor taong 1998 na hanggang ngayon ay pinakikinabangan ng mamamayan.

Bukod tanging si Atty Repizo lamang ang kandidato (for Mayor ) na sumasabay at nakikipagtalastasan sa social media lalong-lalo pagdating sa talakayan.

Ibig sabihin, he has the making of a very responsible leadership kasi karamihan sa mga kandidato o politiko ngayon ay umiiwas sa social media at takot kausapin ang mga taong nagtatanong pero si Atty Repizo very humble at aktibo.

Bihira ang ganitong kandidato na handang ipaglaban ang kanyang bayan at mamamayan. Yan ang nakikita ko sa katauhan ni Atty Repizo kaya lubos ang aking paghanga sa kanya na sana ay loobin siya ng ating panginoong Hesus na papalarin.

Dahil sa husay at kasipagan ni Atty. Repizo, nahirang siya bilang Executive Director ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) sa panahon ng kanyang panunugkulan.

Matatandaang bago pa naupo si Atty. Repizo bilang konsehal ng lungsod ay marami na siyang natulungan sa pamamagitan ng “free legal consultation” at libreng notaryo para sa mga kapus-palad. Bukod sa laki sa hirap at pagiging malapitin nito sa mga maralitang pamilya, si Atty. Repizo ay tinaguriang “Abogado ng Masa” at tagapagtanggol ng mga mahihirap sa Calapan City, Oriental Mindoro pagdating sa usaping legal. Maraming mindoreño at calapeño ang kumumbinsi kay Atty. Repizo na kung maaari ay ipagpatuloy nito ang kanyang nasimulang paglilingkod sa kanyang mga kababayan kung kayat nag-disiyon itong tumakbo bilang alkalde ng Calapan City bilang independent candidate.

Samantala nawala man si Atty. Repizo sa larangan ng pulitika noon ay hindi naman nawala sa larangan ng paglilingkod, kung saan nagsilbi ito bilang Deputy Commissioner sa Bureau of Immigration sa pamahalaang nasyunal.

Subaybayan natin!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa balyador69@gmail.com.

Samantala, laging subaybayan ang palatuntunang “walang personalan trabaho lang” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00nn sa RADYO NG MASA entertainment net radio. Tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band at 10:00am-11:00am sa DWXR 101.7FM – Mapapanood livestreaming via Facebook at Youtube!

Leave A Reply

Your email address will not be published.