Advertisers

Advertisers

Duterte ‘di payag sa face-to-face classes kahit may bakuna

0 346

Advertisers

HINDI pa rin papayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng face-to-face classes kahit dumating na ang unang supply ng COVID-19 vaccine sa bansa mula sa Sinovac ng China.
Sa kaniyang talumpati sa pagtanggap nito ng 600,000 doses ng Sinovac vaccines mula sa China, sinabi ng pangulo na ayaw niyang ilagay sa alanganin ang buhay ng mga kabataan.
Hindi pa aniya nito matatanggap na mawalan ng buhay ang mga kabataan.
Una nang ibinasura ng Pangulo ang hirit ng ilang opisyal ng Department of Education na uubra nang isagawa ang face-to face classes dahil sa panganib ng COVID-19. (Vanz Fernandez)