Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 2,886 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Miyerkules, Marso 10.
Samantala ay mayroon namang naitalang 221 na gumaling at 17 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.4% (44,470) ang aktibong kaso, 90.5% (546,293) na ang gumaling, at 2.08% (12,545) ang namatay.
Sa pagpasok ng mga bagong variant sa bansa, sinabi ng DOH na mainam pa ring panlaban sa virus ang wastong pagsunod sa safety health protocol.
Huwag din magpakampante kahit may bakuna na dahil ang mga variant ay mabilis makapanghawa at kahit nabakunahan na ay maari pa ring makahawa o mahawa bagama’t mababa ang tiyansa ng pagkakaospital. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)