Advertisers
SISITAHIN na ng kapulisan ang mga magkasintahan o mag-asawa na maglalambingan sa mga pampublikong lugar bilang bahagi ng ipinatutupad na minimum health and safety protocols at upang maiwasan ang pagkalat ng covid-19.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesman Brig. Gen. Ildebrandi Usana, bawal na muna ang public display of affection (PDA) sa mga magdyowa, at maging ang mga matatalik na kaibigan at malalapit na kamag-anak ay pinagbabawalan na rin maghawakan ng kamay, halikan at yakapan sa mga pampublikong lugar.
Paglilinaw pa ng PNP, wala namang parusa ang mga lalabag dito subalit umaasa ang kapulisan na magiging disiplinado ang publiko na huwag na itong gawin upang hindi na masita.
Sisitahin lang po, “Siguro sa tingin lang ng pulis, baka madala na sila. O kung lalapitan, pwedeng kausapin, sasabihing ”di pwede iyan,” dagdag pa ni Usana. (Jonah Mallari)