Advertisers
NADAGDAGAN pa ng 4,899 ang kaso ng COVID-19 sa bansa batay sa pinakahuling datos ng Departmentf of Health (DOH) nitong Linggo, Marso 14.
Sa kabuuan, umabot na sa 621,498 ang mga tinatamaan ng naturang sakit sa bansa.
Sa kabila nito, nakapagtala naman ng 13,371 na recoveries sa pamamagitan ng Oplan Recovery ng DOH dahilan para maging 560,512 na ang gumagaling sa sakit.
Umabot naman sa 63 ang bagong naitalang mga nasawi sa COVID-19 kaya umakyat na sa 12,829 ang death case.
Habang ang aktibong kaso naman ay nasa 48,157 na lamang kung saan ang mild at asymptomatic na kaso ay halos nasa 96.0 percent.
Nasa 12 duplicates naman ang kinailangang alisin sa total case counts kung saan 9 ang recoveries.
Nasa 16 kaso naman na na-tag bilang recoveries ang na-reclassified bilang deaths matapos ang final validation. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)