Advertisers

Advertisers

Mga preso ng MPD-PS 11 isasalang sa swab test

0 331

Advertisers

ISASALANG sa swab test ang mga preso sa Manila Police District Station 11 sa Binondo, Maynila matapos magpositibo sa Covid-19 ang 56 pulis na nakatalaga sa presinto.
Ayon kay MPD Director for Operations Col. Raul Tacaca, inaayos na ang schedule ng swab test ng mga preso upang matiyak na hindi kumalat ang covid infection.
Sa kasalukuyan ay mino-monitor na ang mga preso bagama’t wala naman nakikitaan ng simtomas ng covid.
Lunes ng hapon nang isailalim sa lockdown ang buong presinto matapos maitala ang 56 covid cases mula Marso 3-14.
Tiniyak naman ni Tacaca na tuloy ang operasyon ng pulisya dahil mayroong mga dagdag na tropa ng pulis na ipinadala mula sa MPD headquarters.
Gayunman, pinapayuhan ang publiko na iwasan muna ang pumunta sa Station 11 at magtungo na lang sa MPD headquarters para sa anumang transaksyon.
(Jonah Mallari)