Advertisers

Advertisers

Albert Martinez nakapanayam ng ‘Tunay na Buhay’ bago mag lock-in taping

0 520

Advertisers

Ni BKC

NAGBABALIK-Kapuso ang batikang aktor na si Albert Martinez at marami na ang nag-aabang na mapanuod siya sa upcoming afternoon drama series na “Las Hermanas.”

Bago sumabak si Albert sa lock-in taping para sa nasabing show, nakapanayam siya ni Pia Arcangel sa Tunay na Buhay.



Ngayong Miyerkules (March 24), ibabahagi ni Albert ang kuwento sa likod ng kanyang “change of heart” sa balak niya noong pagre-retiro mula sa showbiz.

Sa kanyang panayam sa Tunay na Buhay, sinabi ni Albert na naisip na niyang huwag nang bumalik sa showbiz noong kasagsagan ng pandemya.



“It crossed my mind kasi nga three months akong nasa bahay lang, I was with my dad and ‘yung anak ko. Napag-isipan ko rin na enjoy ko yata yung ganitong buhay, I was telling my manager, maybe this is the right time for me to retire, because I’ve accomplished what I wanted, mga goals ko nakuha ko na rin. And I want to start something different outside show business. But sabi niya sa akin, ‘Hindi pa time to retire as long as there is the offer and demand, you’re there,’” saad ng aktor.

Sa loob nga ng higit apat na dekada, ipinamalas ni Albert ang kanyang husay sa pag-arte—mapa-drama, action, o daring roles. Sa dami ng kanyang naging proyekto, tila mayroon nang beautiful collection of first-rate leading ladies si Albert. Ang tanong, ilan kayang leading ladies ang kaya niyang pangalanan sa loob ng dalawang minuto?



Maging ang hilig niya sa off-roading, ibabahagi niya rin sa programa.

Samahan si Pia na alamin ang kuwento ng buhay ni  Albert sa ‘Tunay na Buhay’ ngayong Miyerkules, 11:30 p.m. sa GMA Network.