Advertisers
NASAWI ang isang barangay kagawad nang mahulog sa fly-over sa Sta. Mesa, Maynila nitong Martes ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Jesus Rodriguez, kagawad ng Barangay 416, at residente 1135 Lardizabal St., Sampa-loc, Maynila.
Sa imbestigasyon ni Police SSgt. John Teody Siguen ng Manila Police District-Homicide Section, nangyari ang insidente 6:00 ng umaga.
Isang parking attendant ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na si Arnel Tomaneng ang nakapansin sa biktima na nakahiga sa railings ng fly over hanggang sa mahulog sa tapat ng Unitop Department store sa Ramon Magsaysay Boulevard.
Napag-alaman na nakaranas ng depresyon ang biktima mula Enero 2021.
(Jocelyn Domenden)