Advertisers

Advertisers

Covid update: 620 gumaling; 20 nasawi; 5,867 bagong kaso

0 368

Advertisers

BUMABA sa 5,867 ang bilang ng mga bagong nadagdag na kaso ng COVID-19 ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Martes, Marso 23.
Samantala ay mayroon namang naitalang 620 na gumaling at 20 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 12.7% (86,200) ang aktibong kaso, 85.4% (578,461) na ang gumaling, at 1.92% (12,992) ang namatay.
Payo ng DOH sa publiko, iwasan na maging kampante sa ating pag-iingat lalo na sa harap ng mabilis na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)