Advertisers
ITINUTURING na mga notoryos na drug addicts ang limang magkakamag-anak sa panggagahasa sa dalagita sa Tacurong City.
Ayon sa Tacurong chief of police, Lt. Col. Joan Maganto, nahuli ang lima sa magkakasunod na mga operasyon katuwang ang PDEA-12 sa Barangay San Emmanuel noong Biyernes, Marso 19.
Kinumpirma rin ng opisyal na sangkot ang mga suspek sa panghahalay sa 14-anyos nilang kaanak.
Kasamang nahuli ang 43-anyos na ama ng biktima, 20-anyos na pinsan, 29-anyos na tiyo, at 17-anyos na pinsan na hindi muna pinangalanan ng pulisya. Nakatakas ang isa pa nilang kasamahan.
Ayon sa opisyal, matagal nang sakit sa ulo sa barangay ang mga suspek dahil sa panggugulo at pambabato. Kaya nakaginhawa ng maluwag ang mga barangay official at mga residente sa kanilang pagkakahuli.
Samantala, nasa ligtas namang kalagayan ang biktimang dalagita at nakakausap na nang matrauma sa naranasan nito sa loob ng limang taon na pagiging sex slaves ng ka-pamilya..
Inihayag ni Col Maganto na ililipat nila sa isang institusyon ang biktima upang magiging ligtas. Sinampahan ng mga kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at rape ang ama at apat pang kaanak nito.