Advertisers
IISYUHAN ng show cause order ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang tatlong alkalde dahil sa pagpapabakuna laban sa covid-19 kahit hindi sila kasama sa prayoridad na mabakunahan.
Sinabi ni DILG Usec. Epimaco Densing na inihahanda na ang show cause order para sa mga alkalde na hindi muna pinangalanan.
Labag kasi ito sa vaccination plan dahil prayoridad na mabakunahan muna ang mga medical frontliner, senior citizens at iba pang may karamdaman.
Isa si Tacloban Mayor Alfred Romualdez sa mga nagpabakuna at ipinost pa sa kanyang social media account.
Giit ni Romualdez, nagpabakuna siya hindi lang para sa kanyang sariling proteksyon kundi upang maengganyo ang publiko na huwag matakot magpabakuna. (Jonah Mallari)