BALIPURE VOLLEYBELLES PALABAN SA PVL

24

PALABANG koponan ang nais na maitimo sa isip ng mga bagong bubuo sa kanilang koponang sasabak sa Philippine Volleyball League(PVL) na sina Satriani Espiritu at Gyra Ezra Barroga na di basta babalewalain ng kalaban.
Kung karanasan at lakas ng mentalidad lang naman ang pag-uusapan , ito ay kanilang inestablisa sa sarili lalo ngayong panay lamang online training ang kanilang isinasagawa sa sandaling magsimula ang liga na isang bubble set-up na hahataw sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.
“Preparation talaga ang nasa isip namin dahil papasok kami sa challenging competition. Wala nang intimidasyon basta ang motivation sa’min nina coach ay laro at laban lang. Do our best. Kung ine-expect nila na underdogs kami, para sa amin challenge iyon to prove them wrong,”ayon kay opposite hitter Barroga kasama si middle blocker Espiritu ng Balipure Water Defenders sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Usapang Sports on Air kahapon via Zoom online na suportado ng PSC, Pagcor at GAB.
“Iyong mga challenges naman sa PVL, helps me grow as an athlete. Kung may pressure man dahil sa mas mabibigat ang kalaban, I will leave that at the back of my head and beat other team. Feeling ko kasi sa mga interviews sa amin, underdogs kami, we are not. Actually, I’m really excited, kasi it’s over a year nang wala sa mismong game,” saad naman ni Espiritu.
Ipinagmalaki naman ni team manager Gil Cortez ang kanyang lady Defenders: “Ang mga batang ‘to ay palaban. I know may mga pangalan ang ibang teams, laban lang kami kung laban, bilog ang bola. Isa pa, ang advise namin sa kanila maging friendly sa media at take their advise kung kailangan para sa mas mahusay pa nilang laro.”
Ikinatuwa rin ni coach Abella ang pagbabalik sa team ni Gracielle Bombita, nagsisilbi ngayong team captain ng Water Defenders, “ Every year naming nililigawan ang malalakas na players, pagdating kasi sa pilian ng players ay matindi rin ang competition, good thing nakuha namin siya. Matagal ko nang kinakausap si Grace, kahit na lumipat siya sa iba ay sabi ko open pa rin siya sa amin na bumalik. Para sa akin F2 at PetroGazz ang malakas,” nang tanungin sino ang team to beat sa PVL.(Danny Simon)

Leave A Reply

Your email address will not be published.