Moraes napanateli ang titulo sa ONE

22

PATULOY ang paghahari ni Brazi’s Adriano Moraes sa ONE’s flyweight champion matapos masilat si Demetrious “ Mighty Mouse” Johnson sa ONE on TNT l, kahapon sa Singapore Indoor Stadium.
Moraes, na three-time ONE Championship flyweight title-holder, ay sumabak sa laban na underdog laban kay Johnson, na dating UFC flyweight champion at winner ng ONE Flyweight Grand Prix.
Sa pamamagitan ng masinsin na kaliwat kanan ay na knockout ang “Mighty Mouse” sa second -round.
Natapos ang laban sa 2:24 mark ng second round.
Ito ang unang depensa ni Moraes’ simula mabawi ang flyweight belt sa January 2019 kay Geje Eustaqui ng Pilipinas.
Para kay Johnson, ito ag unang pagkakataon sa kanyang career na tinapos via strikes. “Mighty Mouse” ay tagumpay ang nakaraang tatlong laban sa ONE Championship.
Sa co-main event, isa pang dating UFC champion Eddie Alvarez ay na disqualified laban kay Luri Lapicus for illegal strikes.
Ang laban ay tinigil ni referee Justin Brown matapos sapakin ni Alvarez sa likod ng ulo si Lapicus’ Binigyan si Lapicus ng five-minute recovery period pero hindi kayang ipagpatuloy.
Hinatulan ng disqualified si Brown sa 1:03 mark sa opening round.
“The referee is here. Whatever call he makes, that’s the call and I apologize,” Wika ni Alvarez, na dating UFC lightweight champion, pagkatapos ng laban.

Leave A Reply

Your email address will not be published.