Advertisers

Advertisers

Scavenger swak sa shabu

0 476

Advertisers

SWAK sa kulungan ang isang scavenger nang mahuli sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Sto Domingo, Quezon City nitong Sabado ng umaga.
Kinilala ni LTCOL. Florian Reynado hepe ng Quezon City Police District station 1 Laloma ang nadakip na suspek na si Jonathan Victo, 20 anyos, scavenger ng Brgy. Sto Domingo, QC.
Ayon sa ulat ng Laloma Police station 1, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis laban sa suspek sa Tirad Pass Street corner Sto Domingo, Brgy. Sto Domingo, QC, 8:00 ng umaga.
Sinabi ni PLT. Ronaldo Ambatang hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na isang poseur buyer na pulis ang nagpanggap na bibili ng halagang P300.00 na halaga ng shabu at ng kumagat ang suspek agad dinakma ng mga awtoridad ang suspek.
Nakuha mula sa suspek ang mahigit isang (1) gramo ng shabu na may tinatayang P10,000.00 halaga ng street value.
Sinabi ni Ambatang na sangkot rin ang suspek sa serye ng robbery sa area ng Laloma police station.
Kasalukuyang nakapiit na ang suspek at nahaharap sa kasong section 5 at 11 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Boy Celario)