Advertisers

Advertisers

Hamon ni Robin Padilla tinanggap ng AFP Colonel

0 522

Advertisers

“CALL!”

Ito ang sagot ni AFP Colonel Mike Logico, ang direktor ng Joined and Combined Training Center ng Armed Forces of the Philippines, sa post ng laos nang aktor at “DDS” na si Robin Padilla na naghahamon sa mga senador at iba pang personalidad na bumabatikos sa pananahimik ni Pangulong Rody Duterte sa mga iligal na aktibidades ng China sa West Philippine Sea.

Sa kanyang post sa social media, hinahamon ni Padilla ang mga bumabatikos kay Duterte sa isyu ng WPS na samahan siya maging “militia” para “tatambay” sa WPS.



Sagot ni Col. Logico: “Call!” at pinayuhan ang aktor sa mga unang dapat gawin:

“1. Get a haircut.

2. Apply for MNSA. I will be your instructor.

3. Apply for CGSC. I will be your instructor again.

4. If you make it past step 3, you will have the miminum competency to become a RCDG Commander. That will put you in a slightly better position to challenge anyone.”

Supalpal si “Dyutay”, tawag ng dating “hot actress” Rossana “Osang” Roces kay Robin.



Pero naging magalang ang sagot ni Robin kay Col. Lo-gico: “Sir, you being a decorated ranking officer of the army I salute you. I apologize if in anyway I offended you with my video. Sir, it’s too late for me to dream and become a highly trained officer like you. If destiny allows it, I will just see you there in the the seas not as a foe but a civilian ally. Sir, thank you very much for the warm welcoming in the army, Sir!”

Ang dapat niyaya ni Robin sa WPS ay ang “Tatay Digong” niya dahil ito ang nangako noon sa mamamayan na kapag nahalal siyang Pangulo ng Pilipinas ay pupunta siya sa WPS, ituturok doon ang bandila ng Pilipinas at mag-jetski, bagay na hindi natupad hanggang ngayon. Joke lang pala ‘yun!

Anyway, bakit naman kailangan pa nitong si Robin magyaya sa WPS. Hindi niya ba kaya mag-isa pumunta roon para tumambay at mag-“vlog”?. Kalalaki n’yang tao, matapang magsalita! Eh ang ABS-CBN lady reporter na si Chiara Zambrano nga nagawang mag-documentary sa WPS nang walang kasama. Sino ngayon mas matapang sa kanila, aber?

Sa totoo lang, idol ko itong si Robin. Wala akong pinalalagpas na pelikula niya noon. Pramis! Hehehe…

Balik tayo sa usapin sa WPS. So far, higit 100 pa raw ang Chinese military ships sa WPS na tila may ginagawa na namang istraktura, hinaharang at itinataboy ang ating mangingisda ‘pag pumunta sa lugar.

Pilit na naman kasing iginigiit ng China na kanila ang Panatag Shoal at Pag-asa island na maliwanag pa sa sikat ng araw na nasa loob ito ng teritoryo ng Pilipinas. At napanalunan na natin ito sa international court noong panahon ni PNoy.

Nang ma-install ang Duterte administration simula 2016 lalong dumami at naging agresibo ang Chinese military ships sa WPS, nagsagawa ng mga istraktura tulad ng military base at hinaharang, itinataboy, sinasagasaan ang ating mga mangingisda, kungsaan dedma lang si Pangulong Digong.

Dahil dito ay nabahala ang Estados Unidos at mga ka-alyadong bansa. Nagpadala ang mga ito ng war ships sa WPS para manmanan ang ginagawa ng China at bigyang-babala narin ito sa pagtatayo ng military bases sa strategic area sa gitna ng karagatan na tila naghahanda na sa giyera.