AFP suporta sa community pantries

289

Maganda ang naging pagtugon ng mga taga-CRS ng AFP sa community pantry sa paligid ng QC. At ngayon nga nagpalabas na ng kautusan sa buong Sandatahan na ang lahat ng kanilang yunit ay dapat sumuporta at/o magsimula kung kinakailangan para tugunan ang pangangailangan may kaugnayan sa pandemya. Sa kabila ng mga pinalabas na isyu ng panggagamit diumano ng mga maka-kaliwa sa magandang programang ito, ipinakita ng AFP na handa silang maging tulay at instrumento upang mapag-ugnay ang magkasalungat na ideyalismo para sa kapakanan ng taong bayan. Hinihikayat ang lahat ng may kakayahang tumulong para mas maging matagumpay ang programa ng community pantry sa buong bansa.

Daming yumamang bgy officials
sa SAP at mga ayuda
DAHIL PANDEMIC KUMITA ANG MGA BARANGAY. MAY HATIAN SA SAP AT MGA AYUDA. DITO NGA SA AMIN BARANGAY 659, AROCEROS ST, ERMITA, MANILA. ANG BARANGAY OFFICIALS NAGSIYAMAN. MERON DITO DATING TAMBAY SA LUNETA NGAYON MAYAMAN NA, MALAKI NA ANG BAHAY, MAY KOTSE AT MGA NEGOSYO SA KANILANG PROBINSIYA. DAPAT SILIPIN ITO NG COA. – Concerned citizen

Pulis sa Tondo kotong ng sidecar boys?
REPORT KO LANG PO YUNG PULIS NA AQUINO SA STATION 1 MPD. MAKAPAL ANG MUKHA, LAHAT NG TRYCLE DRIVERS KINOKOTANGAN. HUMIHINGI NG P100 KADA LINGGO. SANA MAKARATING ITO KAY YORME. WALA NA NGA KAMI KINIKITA DAHIL MASYADO MATUMAL ANG BIYAHE, KINIKIKILAN PA KAMI. LAKI NAMAN NG SUELDO NILA, NANGONGOTONG PA! – Sidecar boy

Leave A Reply

Your email address will not be published.