Advertisers

Advertisers

Duterte: Hintayin ayuda ng gobyerno kesa pumila sa community pantry

0 366

Advertisers

HINIMOK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na hintayin na lamang ang ayuda mula sa pamahalaan kaysa pumila sa mga community pantries na siyang dahilan umano ng pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.
Ito ang sinabi ng Pangulo sa kanyang ulat sa bayan nitong Lunes ng gabi, kasunod ng rekomendasyong makipag-ugnayan sa mga kapitan ng barangay.
“People were swarming. It might not be the first thing that you did with your idea, but from there it generated yung mga ito. Nagkalapit-lapit, nagkalapit-lapit hanggang magtaas na naman… Ang mga tao, matigas kasi ulo ninyo. Ayaw ninyong maniwala. Sinabi na ngang mabuti na nga mag-istambay ka na lang. Alam niyo, hindi ito biro, ‘pag tinamaan ka ng COVID, it’s [death]… Ngayong, kayong mga wala talagang makain… maghintay lang kayo and try to communicate with your barangay captain. Ako, nagsabi ako, magbalot kayo ng pagkain, ibibigay ninyo ‘yan sa mga tao. Sikreto,” ani Pangulong Duterte.
Matatandaang, dumami ang mga community pantries sa iba’t ibang lugar sa bansa nang pasimulan ito sa Maginhawa Street sa Quezon City bilang tulong sa mga mamamayan ngayong pandemya. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)