Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
IPINOST ni Andrea Torres sa Instagram kamakailan ang kanyang kasariwaan bilang paghahanda sa kanyang 31st birthday.
Masisilayan ang fresh naporma ni Andrea na naka-off shoulder dress at nakahawi ang buhok sa mukha.
May konting pasilip din ito ng cleavage ng dibdib.
“ Chapter 5 of 12. Birth month,” caption ni Andrea na nagdiwang ng kaarawan nung May 4.
Ang post ni Andrea ay nakakuha ng 64K plus likes at lumobo na sa 1.2 million ang kanyang followers sa IG.
Sa post din ni Andrea ay maraming netizen ang nag-comment ng positive at sinabihan din siya na huwag nang pansinin ang madaldal na ex-boyfriend na si Derek Ramsay.
“ Keep calm and karma will finish it,” nasabi na lang ni Andrea.
Mapapanood na si Andrea sa bagong serye na Legal Wives with Dennis Trillo, Alice Dixson at Bianca Umali .
***
SA segment ng Tawag ng Tanghalan ng It`s Showtime last Saturday ay napag-usapan ng mga host ang kanilang mga insecurities at imperfections sa katawan.
Tinanong ni Vice Ganda si Kim Chiu kung ano ang insecurity niya? Inamin ng tsinitang TV host/actress na isa sa insecurity niya ay hindi siya fluent sa English.
“Ako? Nahihiya ako, hindi ko kayang makipag-usap sa mga fluent in English,” pag-amin ni Kim.
Ikinagulat ito ni Vice at sinabi na, “Ha??? Daldal-daldal mo rito, hindi mo nga maintindihan kung kelan ka hihinto.”
“ Hindi English dito. Tagalog dito, `Ma, eh.” katuwiran ni Kim.
Say naman ni Vice, “magaling kang mag-English.”
Na sinagot naman ulit ni Kim na, “pag tinapat mo na ako sa totoong English-speaking, medyo ano na tayo diyan…ah, thank you, talk to you later,” na sinabayan ng tawa ni Kim.
Pero pagtatanggol naman ni Vice Ganda, kahit naman mga Amerikano ay hindi rin perfect mag-English at dedma naman daw ang mga ito kahit mali-mali ang Ingles mo. Ang kapwa mo pa raw Pilipino ang siyang magkokorek sa ‘yo.
Oo nga naman kung sino pa ang kababayan mo, ang siya pang maldita kung umasta.
***
SA kanyang pa-Q&A ni Kris Bernal sa Instagram ay sinagot ng actress ang nagdududa na nagparetoke siya ng ilong.
Isang netizen kasi ang nagtanong kung retokado raw ba ang kanyang ilong?
“A lot of people think I had a nose job but I was born with a matangos na ilong,” sagot ni Kris.
Dahil dito ay ibinahagi ni Kris ang old photo niya noong 12 years old pa at makikita nga na matangos talaga ang kanyang ilong.
Sinagot din ni Kris ang nagtanong kung idol raw ba niya si Heart Evangelista kaya nangongolekta rin siya ng Hermes bags.
“True, I am a big fan of Heart ! Being famous, rich and humble are different jobs and not every person can do it simultaneously but she can.
“ She`s one of most humble and loveable people off camera. And she reflects extreme gratitude for the people around her whatever your status in life is,” aniya.
Tungkol naman sa pangongolekta ng Hermes bags. Aniya, “false that I`m collecting Hermes bags because of her. I just love Hermes too. And mine is not event a collection.”
Sinagot din ni Kris ang tanong kung church wedding ba ang magaganap sa kanila ng fiance na si Perry Choi.
“Definitely,” ang sagot niya.
Sa ngayon ay pinaghahandaan na nila ang kanilang kasal na mangyayari this year.