Advertisers

Advertisers

Aiko umamin, naging fan nina Maricel at Marian

0 219

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

HINDI itinanggi ni Aiko Melendez sa kanyang vlog na dalawang aktres ang kanyang hinahangaan.

Sa kabila na isa ring mahusay na artista at isa sa may pinakamagandang face in showbiz eh meron pa rin kapwa nito artista na kanyang kinabibiliban.



Una na nga raw itong na-starstruck kay Diamond Star Maricel Soriano.

At pangalawa na nga sa magandang aktres na maybahay ni Dingdong Dantes na si Marian Rivera.



Pagpapatunay pa ni Aiko na follower siya ni Marian kaya naman alam niya ang ganap dito tsika pa niya sa kanyang vlog.

Natuwa naman si Aiko na nadi-divide ni Marian ang time nito para sa family at business as in work at home ang peg ng aktres.



May tanong naman si Aiko kay Marian na itinawa niya muna ang sagot.

Ang tanong ni Aiko na wala ba raw araw na napapaisip ito kung kailan nito naisip na pangit siya.

Kahit saang anggulo kasi ay maganda ang misis ni Dingdong kaya itatanong niya raw muna sa kanyang mister sabay halakhak.

Bumilib naman ang netizens kay Aiko sa kabila na sikat na siya eh ‘di naman nito ikinahiya na fan siya nina Maricel at Maria.

***

Dennis inako ang kasalanan sa paghihiwalay nila ni Marjorie

MARAMI ang natuwa na netizens sa pagbo-bonding ng mag-amang Julia Barretto  at Dennis Padilla.

Sa vlog ni Julia ay guest nito ang ama kaya naman excited ang followers ng aktres kung ano ang mga itatanong nito sa ama.

Taong 2007 nung maghiwalay ang mga magulang ni Julia na sina Dennis at Marjorie Barretto.

Natatandaan ni Julia na 10 years old siya noon kaya gusto nito malaman ngayon.

Binungaran naman agad ni Dennis na wala nga raw kasalanan ang nanay ni Julia.

At umamin ang tatay ni Julia na inako na siya ang may kasalanan kaya naganap ang hiwalayan na ‘yun.

At sinabi ni Dennis ang totoong dahilan ay ang kanyang ugali.

Basta sabi ni Dennis bilang ama ay handa nitong ipagtanggol at ibigay ang buhay sa mga anak dahil mahal na mahal niya ang mga ito.

Tuwang-tuwa naman ang mga netizen na naka-follow kay Julia dahil na din sa pagba-bonding nilang mag-ama.

Well, well, well…’Yun na!