Advertisers

Advertisers

P54.6-B fund sa ret. uniformed personnel nasa ‘Bayanihan 3’

0 317

Advertisers

NASA P54.6 bilyon ang nailatag na pondo para sa pension at gratuity fund para sa mga retired uniformed personnel sa ilalim ng proposed Bayanihan 3.
Ayon kay Marikina City Rep. Stella Quimbo nakasaad sa Chapter VI, Section 27 ng substitute bill ng Bayanihan 3, ang P54.6 billion ay inilalaan para sa pagbabayad sa mga pension arrears ng retired military uniformed personnel ng AFP, PNP, BFP, PCG, at National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA).
Ang pension at gratuity fund na ito ay ilalabas o hahatiin sa loob ng tatlong phases, kung saan P20 billion para sa Phase 1, P20 billion para sa Phase 2, at P14.6 billion naman sa Phase 3.
Nilinaw ni Quimbo na ang Department of Budget and Management (DBM) ang nag-request sa pondong ito noong nakaraang taon aniya ay na-cut ito sa ilalim ng 2020 budget.
Matatandaan na sa 2020 national budget, P74 billion ang budget cut sa pension at gratuity funds ng mga uniformed personnel. (Josephine Patricio)