Advertisers
NATURUKAN na ng COVID-19 vaccine si Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes, Mayo 3.
Mismong si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang nagsagawa ng pagtuturok ng Sinopharm vaccine na gawa ng China kay Pangulong Duterte.
Ayon pa sa pangulo na matagal na niyang inaasahan na mabakunahan.
Nagtagal lamang ang doctor sa kaniyang pagsusuri bago piliiin ang Sinopharm na ituturok.
Sinabi naman ni FDA Director General Eric Domingo sakop ng nakapaloob sa inilabas na compassionate special permit (CSP) ng Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine na Sinopharm kay Pangulong Duterte.
Ayon kay Domingo, ito ang unang hiniling ng Presidential Security Group (PSG) sa nasabing bakuna bilang donasyon ng China bago pa dumating ang ibang mga COVID-19 vaccine sa Pilipinas.
Aniya may special permit na ito para payagan ang paggamit ng Sinopharm ng sa gayon ay maprotektahan ang pangulo at kaya ito rin ang ginamit niya.
Kaugnay nito, bukod sa Presidente kasama sa nakapakoob din ng CSP ang mga asawa o partner ng bawat miyembro ng PSG.
Kamakalawa ay nagpabakuna na si Pangulong Duterte ng Sinopharm vaccine na mula sa China na kung saan ay naging kontrobersyal at sinabing smuggled vaccine na nauna nang itinurok sa mga PSG members kahit hindi pa ito nirehistro at hindi pa dapat gamitin at noong panahon na iyon hindi pa sinisimulan ang official vaccination program sa bansa. (Vanz Fernandez/Andi Garcia/Jocelyn Domenden)