Advertisers
INIIMBESTIGAHAN ng Department of Justice (DOJ) ang hindi bababa sa apat na grupo na nagpapatakbo ng operasyon sa e-sabong, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Bukod sa grupong ‘Alpha’ na umano’y binubuo ng mga mambabatas at mga lokal na opisyal ng pamahalaan, sinabi ni Remulla na may tatlo pang grupo na sangkot sa kaso ng mga nawawalang sabungeros.
Ayon kay Remulla, hindi lamang ‘Alpha’ group kundi mayroon pa umano hanggang ‘Delta’ group, ‘Charlie’ group, ‘Bravo’ group.
“Tiered lang siya according to the income stream that they receive out of this e-sabong industry. Grabe ‘to. Grabe ‘to. Corporate na corporate. Corporate killing,” sabi ni Remulla.
Aniya maraming gustong sumali sa e-sabong dahil sa pera.
“‘Di nila alam mabigat ang presyo ng kapalit ng pera na kinukuha nila. Eh marami palang pinpatay na tao,” ayon pa sa justice secretary. (Jocelyn Domenden)