Sen. Pacquiao nagsalita na sa pagboto kay Duterte noong 2016… DUTERTE VS DUTERTE!

81

MULING kinontra ni Pangulong Rody Duterte ang kanyang pahayag, Lunes ng gabi, sa paggiit na hindi niya ipinangako sa taumbayan na babawiin ang West Philippine Sea na kinakamkam ng China.
Sa kanyang lingguhang “Talk to the People” address nitong Lunes ng gabi, Mayo 3, sinabi ni Duterte: “I never, never in my campaign as president promised the people that I would retake the West Philippine Sea. I did not promise that I would pressure China. I never mentioned about China and the Philippines in my campaign because that was a very serious matter. We need to have a diplomatic talkatise diyan. Eh hindi ako diyan… nandiyan sa ating Foreign Affairs, trabaho nila ‘yan. I never… Kayo, you pretended to work on it. Ako, wala kasi wala naman akong… I never promised anything.”
Pero maaalala na nangako si Duterte noong tumatakbo pa siya sa pagkapangulo taon 2016.
Narito ang ilang sipi mula kay Duterte noong April 2016 presidential debates:
“I will ask the Navy to bring me to the nearest boundary diyan sa Spratly, Scarborough. Bababa ako, sasakay ako ng jet ski, dala-dala ko ‘yung flag ng Pilipino at pupunta ako run sa airport nila. Itanim ko then I would say, ‘This is ours and do what you want with me.'”
Ang Panatag (Scarborough) Shoal o Bajo de Masinloc ay 120 nautical miles lang mula sa Luzon, pasok sa 200 nautical mile exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. Nasa loob ito ng West Philippine Sea na kinikilala ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), pero hinaharang ngayon ng mga Tsino ang mga Pilipino doon. Ang Spratlys Islands ay inaangkin ng Pilipinas, China, Vietnam, Malaysia ilan pang bansa sa Southeast Asia.
Sabi ni Duterte, nagbibiro lang siya noong 2016 presidential campaign. May simple pa siyang kantyaw sa mga naniwala sa kanyang pangako noon.
“Iyong sabi ko mag-jet ski ako doon sa China ay kalokohan ‘yon. Wala gani akong heaven road. Istorya lang man ‘yon. Maniwala pala kayo,” sabi niya sa isang tampati sa Davao City noong 2018.
Dismayado naman ang kaalyado ni Duterte na si Senador Manny Pacquiao sa mga sinabi ng Pangulo.
“Nakakapanghina kasi iba sa simula. Narinig natin bago mag-eleksyon, sa kampanya, noong sinabi niya na mag-jet ski siya dala ang bansang Pilipinas,” sabi ng 8-division world boxing champion na naging politiko Lunes ng gabi. “Sa puso ko noon, sabi ko, ito na iboboto ko… Tapos ito ang crucial na pangyayari ngayon.”
Reaksiyon naman ni Renato Reyes Jr., secretary general ng militanteng Bagong Alyansang Makabayan, pagpapakita lang ito na talagang “budol” lang ang nangyari noong panahon ng eleksyon.
Napakarami aniyang ipinangako ni Duterte noong 2016 pero hindi naman natutupad: “Walang kwenta ang salita at pangako ng Pangulo. Swindler kumbaga. Yung mga pinangako nung eleksyon na hindi natupad, ‘di raw talaga pangako yun. Jetski sa West Philippine Sea? Contractualization will stop? Corruption will end? Illegal drugs and crime will end?” sabi niya nitong Martes.
Ang statements na ito ni Pangulong Duterte, Sen. Pacquiao at militanteng si Reyes ay pinagpipiyestahan ngayon sa social media.
Anang netizens, ang kalaban ngayon ni Duterte ay si Duterte rin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.