Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
BAGAY ngayong summer ang newest single ng Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose na pinamagatang “Free”.
Tila mapapasayaw ang mga fans at listeners sa good vibes na dala ng awitin. Ipinamalas din ng Kapuso star ang kanyang rapping skills dito. Balita namin, exciting at bongga ang official music video nito na malapit na ring i-release.
Hindi talaga maikakaila ang galing ni Julie hindi lang sa pagsayaw at pagkanta, pati na rin sa pag-arte bilang si Heart sa pinakabagong GMA primetime series na ‘Heartful Cafe.’
Samantala, napapanood din as a mainstay performer si Julie sa weekend variety show na ‘All-Out Sundays.’
***
Online auditions para sa The Clash Season 4, nagsimula na!
Opisyal nang binuksan nitong Linggo ang online auditions para sa ika-apat na season ng all-original Filipino singing competition ng GMA Network na ‘The Clash.’
Ayon sa mechanics na ipinost sa official Facebook page ng The Clash, ang audition video ay dapat naglalaman ng self-introduction, isang Tagalog at isang English song, at ang final version ay hindi dapat lalagpas ng 100MB at naka-MP4 o MOV format.
Maaaring isumite ang audition video sa audition form na maa-access gamit ang QR code o link na nakapaskil sa Facebook page ng The Clash simula Lunes (May 3).
Bukas ang online auditions sa lahat ng natural-born Filipinos, 21-year old pataas. Para sa mas detalyadong gabay sa online auditions, bisitahin lang ang official social media accounts ng The Clash.
Para sa mga nagnanais na maging next Clash Champion, ito na ang chance upang maipamalas ang inyong husay sa pagkanta. Good luck, mga Kapuso!