Advertisers
NAG-ABISO na ang pamunuan ng Meralco ng power rate hike ngayong buwan.
Sa isang statement, kinumpirma ng Meralco na tataas ang overall rate nila ng P8.5920 kada kilowatt per hour (kWh).
Dahil dito, ang mga bahay na kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan ay nasa P37 ang itataas sa kanilang May bill.
Nilinaw ng Meralco, ang pagtaas ay resulta ng “completion of the refund of over-recovery in pass-through charges.” (Josephine Patricio)