Advertisers

Advertisers

Covid update: 4,842 bagong kaso; 8,312 gumaling; 94 nasawi

0 232

Advertisers

NAKAPAGTALA muli ang Department of Health (DOH) ng mababang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 na nasa 4,842 nitong Miyerkules, Mayo 12.
Samantala ay mayroon namang naitalang 8,312 na gumaling at 94 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.8% (53,214) ang aktibong kaso, 93.6% (1,046,431) na ang gumaling, at 1.67% (18,714) ang namatay.
Ang mababang bilang ng kaso ngayong araw ay dulot ng mababang testing output ng mga laboratoryo noong Lunes, May 10. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)