Advertisers

Advertisers

Pahayag ni Sentri

0 966

Advertisers

SAPAT ang pahayag ni Sen. Sonny Trillanes nang magdeklara ito na papasok sa proseso ng pagpili sa mga nagnanais na maging kandidato sa pagkapangulo sa 1Sambayanan sa darating na halalan ‘22. Ito ang tamang daan ng mga nagnanais na pumalaot sa halalan kung pag-uusapan ang hinggil sa tinatawag na oposisyon.

Walang pagtaas ng noo ang pagpapahayag at kinakitaan ng pagiging mabuti at buong babang binanggit na sa oras na magpasya ang busy-presidente na tatakbo sa panguluhan sa ’22, hindi ito mag-aatubili na magbigay daan at ipasa ang baton kay Busy Leni bilang pangunahing kandidato ng oposisyon. Walang ambisyon pansarili sa ginoong ito, sa halip tinitiyak nito na hindi mapupunta ang baton sa mga mapagpanggap na oposisyon laban sa pamahalaang Duterte.

Gayoon ang galaw ng mga ito’y pagsangayon sa mga patakaran at palakad ni Totoy Kulambo na lubhang nagpahirap at nagpadapa sa bansa. Tama ang hakbang, sa pagtitiyak na hindi magogoyo ang 1Sambayan sa mga nakapaloob na mga huwad na mga kakampi at maging moro-moro ang magiging halalan sa panguluhan sa ’22. . Saludo Ako SenTri.



Malakas ang dating ng pahayag na ito ni SenTri na yumanig sa media at nagkandarapa na kunin ang paliwanag kung bakit sa ganitong kaaga’y nagdeklara na ito ng intensyon. Maraming panayam ang naganap at mas natuunan ang pagnanais nito ng pagbabago na may kinalaman sa hustisya para sa bayan at mamamayan.

Sa pahayag na ito, nagising si Mang Juan at nag-aabang ng sasabihin ng busy-presidente hingil sa pahayag na ito. Sa halip ang taga pagsalita ni Busy-Leni ang naglalabas ng saloobin na hindi dapat ginawa ni SenTri ang pahayag at hintayin na maglahad ito ng kanyang saloobin hinggil sa halalan ‘22.

Sa lakas ng dating ng pahayag ni SenTri tila pati ang mga kaalyado ng busy-presidente’y nagulantang at nawala sa balanse. At kung pagbabasehan ang pananahimik ni Busy Leni, masasabi na hindi ito tutol sa pagpapahayag ng butihing senador. Ang kartada nito’y pawang patungo sa direksyon ng halalang panlokal at hindi pambansa.

Ang pagnanais ng busy-presidente na tumakbo sa pambansang halala’y nasa isip lamang at ‘di batid ng mga alagad, liban sa mga anak na sinasabihan. At kung magbago man ang isip, ang pahayag ni Sen.Tri’y na magbibigay daan ay mapapanghawakan.

Sa pagpapahayag ni SenTri ng pagpasok sa proseso ng pagpili ng kandidato ng panguluhan, malinaw na pinahahalagahan nito ang kaisahan ng mga nagnanais ng tunay na pagbabago na hindi pansarili sa halip paggalang sa 1Sambayanan. Walang hinakbangan o binale wala ang pahayag, ito’y tuwirang pagsang-ayon sa mga inilahad na panuntunan ng 1Sambayan..

Ang maagang pahayag at ang tuwirang pagdesisyon dito’y makakagaan sa lahat ng partido sa kadahilanang maisusulong, mapag-uusapan at mababalangkas ang ano mang kakulangan sa darating na mga panahon. Sa madaling salita mapaghahandaan ng lahat at magiging magaan sa lahat dahil ang pagpapasya’y magbibigay ng direksyon sa oposisyon..



Sa totoo lang, isang mahusay na hakbang ang ginawa ni SenTri, at makikita ito na nababahala si Totoy Kulambo sa pahayag na ito. Noon pa lang nakaraang halala’y wala ng binatbat si TK laban kay SenTri ng hinamon itong pirmahan ang waiver sa mga bank accounts nito at ilabas ang tunay na yaman nito.

At sa paghayag ni SenTri ng plano ng pagtakbo sa panguluhan ay parang hinilamusan ang matandang tuso kung paano lalabanan ang mga lalabas pang pahayag ni SenTri hinggil sa mga kapalpakan ni Totoy Kulambo. Lubhang natataranta si Totoy Kulambo sa pagpapahayag ni SenTri at damang-dama nito hanggang laman at buto. Kita sa kilos at galaw ng pamahalaang ito. Para bang nababasa ni SenTri ang isip ni Totoy Kulambo na nagbibigay sa kanya ng di malamang takot at lubhang pag-iisip.

At ang panlilibak na walang basehan ang kayang gawain upang makakuha ng simpatya sa balana. Subalit sa kalooban nito nangangatal sa takot sa darating na mga pahayag ni SenTri. Sa totoo lang mas nais ng Inferior Davao Group (IDG) na si Busy-Leni ang tumakbo at mukhang may bala sila dito?

Sa 1Sambayanan, ang pagproseso sa pahayag ni SenTri’y bigyan ng pangunahing atensyon upang magawa ang mga dapat. Sa pagkakataon na magpasya si Busy Leni at pumalaot sa pambansang halalan, ang mga paghahanda’y dumadaloy at kung may mga pagbabago’y hindi naman ganun kalaki. Ang paghahanda sa mga programang nais ni Busy Leni o SenTri hindi nagkakalayo at ang tanging nais, ang tunay na pagbabago na naka base sa pag respeto sa demokrasya, hustisya, karapatang pantao at pagprotekta sa teritoryo.

Huwag mabulagan sa mabulaklak na salita ng ilang nagnanais na sumama sa grupong ito, gayung batid natin na namamangka naman ito sa Ilog Pasig. Ang maagang pagpapasya sa pahayag ni SenTri ang dapat pagtuunan. At kay Busy Leni, ilabas na ang iyong baraha upang maganap ang pagsulong ng 1Sambayan.

Sa ngayon, nananawagan ang Batingaw na huwag maging dahilan ang pahayag ni SenTri upang magkahati ang mga nagmamahal sa demokrasya na lubhang binaboy ni Totoy Kulambo. At ang pagpapasya sa kagalingan ng bansa ang dapat unahin at hindi ang mga sariling interes. Nasa iisang bangka tayo na kailangan ang balanseng pagpapatakbo at kung hindi mangyari, lahat tayong sakay nito’y malulunod at maaring pumanaw.

Isang masterstroke ang ginawang paghahayag ni SenTri dahil matanggal ang dapat tanggalin. At tila nawalan ng balanse ang IDG na inaasahang si Busy Leni ang makakatunggali sa halalan. Heto’t walang pasya ang Busy Presidente, ‘di na magkamayaw ang IDG kung paano ang magiging takbo ng kanilang grupo kung si SenTri ang maging pambato ng Democratic Warriors. Sa mga DW ang iisang layunin ang siyang isulong upang makamit ang tagumpay sa halalan sa ’22.

Mabuhay ang 1sang Sambayanang Pilipino.

Maraming Salamat po!!!