Advertisers
HINDI na umabot ng buhay sa ospital ang 28-anyos na misis nang pagsasaksakin ng kaniyang mister sa San Nicolas, Pangasinan.
Kinilala ang biktima na si Jovelyn Lucas.
Naaresto naman ang kaniyang mister na si Don Richard Lucas na hindi pa nakapagbibigay ng salaysay.
Sa ulat, nangyari ang krimen nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa sa kanilang bahay sa Barangay Calanutian.
Ayon kay Police Lieutenant George Banayos Jr., hepe ng San Nicolas Police, lasing si Don Richard nang mangyari ang krimen.
Selos ang isa sa mga tinitingnan na motibo sa krimen.