Advertisers

Advertisers

Daming nadidisgrasya sa raid ng pulis sa ‘tupada’

0 275

Advertisers

MARAMI na ang nadisgrasya sa panghuhuli o pangre-raid ng pulisya sa “tupada”, ang kinagigiliwang sabong ng mga pipitsuging manok ng mga small time na sabungero sa mga mahihirap na lugar.

Ang tupada ay iligal dahil walang permit mula sa gob-yerno. Kaya kung saan-saan lang nagtatagpo ang mga sabungerong naka-paa, nakatsinelas, walang damit, butas-butas ang short, karamihan matatanda, na ang puhunan sa pagsusugal ay P100 hanggang P300. At sa pinag-ipong halagang P2K ay larga na ang sultada.

Uso ngayon ang tupada dahil ipinagbabawal pa ng gob-yerno ang operasyon ng sabungan para maiwasan ang hawaan ng deadly na Covid-19.



At mukhang hindi na mabubuksan ang mga sabungan dahil narin sa paglakas ng online sabong na puede kang tumaya kahit saan basta may internet at may Gcash ka.

Kaso marami pang lugar, probinsiya, sa bansa ang mahina ang internet, hindi obra ang online sabong. Kaya ang mga sabungero ay sa tupada parin lalarga.



Dahil nga bawal sa batas ang tupada, na ‘pag nahuli ka ay P30,000 ang piyansa or kulong ng maraming araw sa mabaho at mainit na kulungan, ang mga sabungero ay kanya-kanyang takbo kapag nilusob sila ng mga pulis.

Oo! Marami na ang napahamak, nasawi, sa pangre-raid ng pulisya sa tupada. Kamakailan lang sa Batangas, isang sabungero ang natuhog ng kawayan sa dibdib-patay nang sumulpot ang mga pulis sa tupadahan malapit sa kawa-yanan.



At nitong Linggo lamang sa Valenzuela City, isang binatilyo na may autism ang binaril ng pulis nang salakayin nila ang tupadahan. Nang-agaw daw kasi ng baril ang binatilyo. Ulol! Sinong maniniwala sa palusot na ito ng pa-rak? ‘Tell it to the Marines, Sarhento Chris Salcedo!!!

Sa Baseco, Port Area, Manila naman ginagawa nang hanapbuhay ng mga pulis ang panghuhuli ng mga nagtutupada sa bakanteng lote ng squatter’s area. Pag walang maabutan, nandadampot nalang ng mga naglalakad sa kal-ye. Tapos pahahawakin ng manok ang tao at pipiktyuran bilang ebidensiya kuno. Mga gago nga!

Araw-araw ay may mga natatanggap akong ulat na pang-re-raid ng pulisya sa tupada at marami ang napapahamak na mananabong dahil sa pagtakas, may nababalian sa pag-kadapa, pagkahulog sa butas at may nababaril.

Sa ganang akin, hindi na dapat pinakikialaman ng pulisya itong tupada, ‘yung mga kriminal nalang ang targetin nila. Hayaan nalang itong tupada sa barangay. Kasiyahan lang naman ito ng mga simpleng mamamayan lalo matatanda na makapanood ng laban ng kanilang alaga at makapusta ng “piso piso”. Mismo!

Kung may kompleyn sa pulisya, ipasa nalang sa barangay para ang mga opisyal ng barangay na ang magpatigil sa tupada para wala nang madisgrasya at maisyuhan ng pangongotong. Say n’yo, mga pare’t mare.

***

ITONG buwisit na PLDT ay napakasama na ng serbisyo.

Kapag nagkaproblema ang telepono o internet mo, napakahirap nilang kontakin, at napakatagal puntahan ng mag-aayos. Inaabot ng isa hanggang dalawang linggo bago dumating ang kanilang repair man. Tapos ayaw naman nila i-wave ang ilang linggo mong walang internet. Buo ang bill mong babayaran. At pag na-delay ka ng payment, putol agad ang linya mo. Napaka-unfair!

Dapat nang imbestigahan ng kongreso itong PLDT!

At dapat na tayong lumipat ng mas maayos na telco.