Advertisers

Advertisers

Suspendidong pulis na adik, himas-rehas

0 364

Advertisers

DINAKIP ng mga elemento ng Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang isang suspendidong pulis na sangkot sa iligal na droga sa isinagawang operation sa Malabon City.

Kinilala ang inaresto na si Corporal Regie M. Alilano, dating nakatalaga sa NCRPO – RPHAS.

Ayon sa ulat, 7:50 ng gabi nang magsagawa ng operasyon ang pinagsanib na mga elemento ng IMEG, Intelligence Group at Regional Intelligence Unit-NCR sa Mc Arthur Highway corner Potrero St., Malabon City.



Isinagawa ang operasyon base sa warrant of arrest sa kasong droga ni Judge Ira Fritzie C Cruz-Rojo ng RTC Branch 67, Pasig City.

Si Alilano na dating nakatalaga sa Pasig City Police Station Sub Station 6 ay sinuspende nang magpositibo sa paggamit ng iligal na droga sa confirmatory test noong Jan 13,2021. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">