Advertisers

Advertisers

Aiko na-trauma nang mabangga ng trak ang kotse

0 255

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

WASAK ang Mercedez Benz na kotse ng aktres na si Aiko Melendez dahil sa isang aksidente noong Linggo, May 23, nagkataong kaarawan ng inyong lingkod.

Una ay nag-text sa amin si Aiko bandang alas-singko ng hapon para ipaaalam sa amin ang nangyari.



“Nabangga ako, medyo trauma pa ako now.

“Wasak ang car ko, thank God walang nangyari sa amin ni Marthena.”



Si Marthena Jickain ay ang bunso at nag-iisang anak na babae nina Aiko at Martin Jickain; panganay naman at only boy na anak ni Aiko si Andre Yllana na anak nina Aiko at Jomari Yllana.

Hindi kasama si Andre noong maganap ang banggaan.



Matapos mag-text, ilang sandali lamang ay sa Facebook messenger naman namin nakapalitan ng mensahe si Aiko.

Ayon sa aktres…

“Ginitgit ako ng truck!

“Nasa tamang lane ako, nag-signal ako to make a right diniretso pa ng truck. Mabuti insured ang kotse ko.

“The truck driver kept on saying sorry.”

Labis ang pasasalamat ni Aiko na walang masamang nangyari sa kanilang mag-ina.

Sa ngayon ay naipagawa na ang sasakyan ni Aiko.

Samantala, nag-aabang ang mga netizen kung kasali pa rin si Aiko sa book 2 ng Prima Donnas na eere later this year.

***

KILALA bilang ang nakakaaliw na si Mars sa GMA primetime series na ‘Heartful Cafe’ ang Kapuso actress na si Ayra Mariano. Sa nagdaang episode, napanood kung paano siya nasaktan at nagpaubaya para sa bida at kaibigang si Heart na ginagampanan naman ni Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose.

Kuwento ni Ayra, hindi lang daw on-screen ang naging closeness ng cast sa nasabing serye kundi pati na rin sa totoong buhay.

Nang tanungin siya kung ano ang pinaka-nami-miss niya sa set ng ‘Heartful Cafe,’ sinariwa ni Ayra ang kanilang masasayang memories sa lock-in taping, “Ang nami-miss ko ‘yung company nila, kasi siyempre araw-araw magkakasama kami doon for two weeks. Nami-miss ko sila mismo, everyone sa Heartful Cafe, hindi lang ‘yung mga artists pati ‘yung production team, ‘yung bond talaga na nabuo. Kwentuhan, ‘yung mga tawanan na talagang masasabi ko na hindi kami nagtrabaho lang, ‘yung work namin doon, fun siya, ‘pag magkakasama kami, masaya lang talaga, sana nakita rin ‘yun ng viewers namin.”

Patuloy na napapanood ang ‘Heartful Cafe’ gabi-gabi pagkatapos ng First Yaya, 8:50 PM sa GMA Telebabad.