Advertisers
MATAPOS ang nakakapagod na seven-game series ay nakuha rin ng Los Angeles Clippers ang kanilang espasyo para sa Western Conference semifinals 126-111 tagumpay laban sa Dallas Mavericks sa Staples Center sa Los Angeles.
Pinangunahan ni Kawhi Leonard ang opensiba ng Clippers na nagtala ng halos triple double na may 28 points, 10 rebounds at nine assists habang mayroong 22 points si Paul George para tuluyang ilampaso ang Mavericks sa Game 7 ng first round playoffs.
Sa simula ng 1st quarter ay hawak ng Dallas ang kalamangan hanggang sa tuluyan iniwan ng Clippers ang Mavericks sa pagpasok ng 2nd quarter hanggang sa last quarter.
Hindi naman umubra ang ginawang 46 points ni Luka Doncic para sana buhatin ang kaniyang koponan kung saan napako na sila sa tatlong panalo.
Ito na ang ikalawang magkasunod na playoffs na dinispatsa ng Clippers ang Mavs.
Samantala sunod na makakaharap ng Clippers sa semifinals ang top-seeded na Utah Jazz simula sa Miyerkules na gagawin sa Salt Lake City.